MAYNILA – Ipinapaubaya ng Malakanyang kay Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ang desisyon hinggil sa mga lokal na opisyal na nagtungo sa ibang bansa sa kabila ng utos na huwag bumiyahe habang umaatake ang bagyong Uwan. Layunin ng kautusan na matiyak na agad silang makaresponde sa pangangailangan ng kanilang mga constituents.
Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na hindi maaaring agad ipalagay na nagkasala ang mga opisyal na tumuloy sa kanilang biyahe kahit may memo na laban dito. Ayon kay Castro, dapat munang suriin kung ano ang dahilan ng kanilang pagpunta sa ibang bansa at kung naapektuhan nito ang kanilang agarang pag-aksyon sa mga apektadong residente.
Iginiit niya na nasa pamumuno ni Remulla ang pagsisiyasat kaya dapat hintayin ang paliwanag ng mga opisyal. Sinabi niyang dapat tingnan kung paano nila idedepensa ang pag-alis sa kabila ng memorandum.
Nauna nang nagpalabas ang DILG ng memo na nagkakansela ng travel applications at leaves ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan bilang paghahanda sa super typhoon Uwan. Gayunman, may mga ulat na ilang lokal na opisyal ang tumuloy pa rin sa pagbiyahe sa ibang bansa habang nagpapatuloy ang pananalasa ng bagyo.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.






