Binatikos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Biyernes ang mambabatas na si France Castro ng Makabayan Bloc dahil sa pagturan nito sa direktiba ng DILG na humihimok sa lahat ng barangay sa bansa na maghanda ng imbentaryo ng mga hindi pa nabakunahan na indibidwal bilang isang “witch-hunt”. Kaugnay nito, tiniyak ng Commission on Human Rights na ang programa ay hindi kailanman lalabag sa karapatan sa privacy.
Sa Facebook Page ni France Castro, na may post date na Enero 13 ang kanyang statement na: “Listahan ng mga benepisyo ng bakuna, vaccination sites, mass testing at contact tracing ang dapat pagtugunan ng DILG at ng mga barangay, hindi listahan ng mga unvaccinated. Again, the DILG is imposing a policy that is unconstitutional and violates a person’s right to privacy.”
Sinabi ni Malaya na walang batayan ang pahayag ni Castro na “ang DILG ay nagpapataw ng patakaran na labag sa konstitusyon at lumalabag sa karapatan ng mamamayan sa privacy” dahil sinabi niya na ang patakaran ay nasa loob ng mga hangganan ng Republic Act (RA) No. 10173 o ang “Data Privacy Act of 2012” at RA No. 11332 o ang “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act”.
Tiniyak din ni Malaya sa Commission on Human Rights na hindi ilalathala o ilalabas sa publiko ang imbentaryo at magsisilbing sanggunian lamang ng mga barangay sa pagpapatupad ng mga ordinansang ipinasa ng LGUs.
Sinabi ni Malaya na ang RA 11332 ay nag uugnay sa RA No. 10173 na nagpapahintulot sa pagproseso ng personal na impormasyon para sa isang lehitimong layunin.
Itinakda ng Seksyon 7 ng RA 11332 na ang Pangulo ay magdedeklara ng State of Public Health Emergency sakaling magkaroon ng epidemya ng pambansa at/o internasyonal na isyuvna nagbabanta sa pambansang seguridad upang pakilusin ang mga ahensya ng gobyerno at non-government upang tumugon sa banta.
Sinabi ni Malaya na ang patuloy na status ng state of calamity sa bansa ay nauugnay sa Section 12 (e) ng Data Privacy Act na nagbibigay ng isa sa mga kondisyon kung kailan ito pinahihintulutang magproseso ng personal na impormasyon, kung saan ito ay “necessary in order to respond to national emergency, to comply with the requirements of public order and safety, or to fulfill functions of public authority which necessarily includes the processing of personal data for the fulfillment of its mandate”.
“In this regard, the data identifying unvaccinated individuals is needed by the State to properly implement quarantine protocol needed to protect the unvaccinated as well as to protect the health system from being overwhelmed,” ayon sa kanya.
Ang Proclamation 1218 ni Pangulong Duterte noong Setyembre 10, 2021,ay nagpalawig sa bisa ng state of calamity sa loob ng isang taon, o hanggang Setyembre 12, 2022, dahil sa Covid-19 pandemic kasunod ng rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.
“Kaya malinaw po na walang paglabag sa batas o sa privacy ng mamamayan sa paghimok sa mga punong barangay na gumawa ng imbentaryo ng mga ‘di pa bakunado kontra Covid-19 (This is why it is clear that there is no violation of the law or of privacy of the people in encouraging village chiefs to conduct an inventory of those who are unvaccinated against Covid-19). The government’s intent is not to harm them but protect them and nudge them towards vaccination and to promote the general welfare and public health,” dagdag pa niya.
Sinabi ni Malaya na ang listahan ng mga nabakunahang populasyon ay makakatulong din sa mga local government units (LGUs) na makilala at kumbinsihin ang mga hindi pa nabakunahan na magpabakuna sa lalong madaling panahon.
“We stand by our call to our barangay chiefs. We need to identify the unvaccinated to protect everybody. The goal of the DILG is to protect people’s right to health at sa paglobo ng mga kaso ngayon, iyon ang pinakamahalaga,” ang pagbibigay diin ni Malaya.
“Kailangan pong timbangin ang karapatan ng isang tao at ang kanyang pananagutan o responsibilidad sa lipunan. Rep. Castro should not be so swift in shooting down the efforts of the national and local governments and calling them unconstitutional or unlawful without knowing the rationale behind the policy,” ayon sa kanya.
Sinagot din niya ang pahayag ni Castro na dapat tutukan ng gobyerno ang listahan ng mga mamamayan na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya at ang mga pamilyang nangangailangan ng tulong pinansyal o ayuda.
“The government has not turned a blind eye to the needs of the people ever since the pandemic began. We have disseminated billions of public funds to assist our kababayans. Alam po ng ating pamahalaan ang kaukulang tulong kapag naghihigpit ng Alert Level para sa kabutihan ng nakararami,” ayon pa rin kay Malaya.
SInabi niya na ang pinakahuling inilaan ng national government para sa ayuda sa gitna ng pandemya ay may kabuuang PHP11.2-bilyon ng cash assistance na nagbibigay ng PHP1,000 bawat indibidwal na may mababang kita at may maximum na PHP4,000 bawat pamilyang mababa ang kita na apektado ng enhanced community quarantine sa ang National Capital Region mula Agosto 6 hanggang 20, 2021.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.