DILG: Ang mga checkpoint ng PNP ay naglalayong higpitan ang mobility ng mga hindi nabakunahan

0
298

Ipinaliwanag kahapon ng Department of the Interior and Local Government na ang pagkakaroon ng mga checkpoint ng Philippine National Police (PNP) sa mga border points ay upang inspeksyunin ang proof of vaccination ng mga biyagero bilang pagsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na higpitan ang mobility ng mga hindi nabakunahan lalo na sa pampublikong transportasyon.

“The DILG and the PNP has begun implementing the measures directed by the President to contain the spread of Covid-19 in the country especially in Alert Level 3 areas where there has been an exponential increase of cases due to the transmission of the Omicron variant,”ayon kay DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya.

“Being the President, ultimately, I am responsible for the safety and well-being of every Filipino,” ayon kay Duterte sa Talk to the People noong Huwebes ng gabi.

Sinabi ni Malaya na ang paglalagay ng mga checkpoint sa mga border area sa Metro Manila at Bulacan ay bilang pagsunod din sa mga ordinansang ipinasa ng Local Government Units na naghihigpit sa mobility ng mga hindi nabakunahan.

Sinabi ni Malaya na ang mga hindi nabakunahan na papasok sa trabaho ay dapat magpakita ng negatibong resulta ng RT-PCR test kada 2 linggo kung hindi ay hindi sila papayagang dumaan sa mga checkpoint.

Nagsasagawa na ang PNP ng mga pagsasaayos upang maibsan ang pagsisikip ng trapiko bunga ng pagkakaroon ng mga checkpoint. “Magtatalaga ang PNP ng mas maraming pulis sa mga abalang checkpoints at magpapatupad ng iba pang mga pamamaraan upang mabawasan ang abala sa mga bumibiyaheng publiko,” dagdag niya.

Maraming business leaders, medical groups at mga samahan, at organisasyon ang nagsusulong na ipatupad ang mga paghihigpit sa buong bansa sa gitna ng pagtaas ng mga impeksyon at banta ng Omicron variant, ayon sa report ng DILG.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.