DILG, BSP: e-sabong tanggal na sa e-wallet apps

0
701

Nagpasalamat ang Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Lunes sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa pagdinig sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na itigil ang operasyon ng e-sabong sa bansa sa pamamagitan ng agarang pag-utos sa bank-supervised financial institutions (BSFIs) na 

Kaugnay ng pagpapatigil ng e-sabong sa bansa, inalis na ang lahat ng e-sabong operators sa listahan ng mga merchant sa kani-kanilang mga online na aplikasyon sa bank-supervised financial institutions (BSFIs) ayon sa utos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Kasabay nito, nanawagan si DILG Secretary Eduardo Año sa Facebook na i-block ang ilang FB pages o accounts na nagsasagawa ng ilegal na operasyon ng e-sabong, kabilang ang mga nasa social media affiliates o subsidiary nito.

Sinabi ni Año na ang BSP, sa pamamagitan ng BSP Memorandum Circular 2022-026 na inilabas noong Mayo 27, 2022, ay nag-utos sa mga BSFI na harapin lamang ang pagsusugal o mga online gaming na negosyo na awtorisado ng gobyerno.

Inatasan din ng BSP ang mga BSFI na ipaalam sa kanilang mga kliyente na may natitira pang pondo sa kanilang mga e-sabong account na kailangang ilipat pabalik sa kanilang mga e-wallet sa loob ng 30 araw mula sa pag-isyu ng memorandum, pagkatapos nito, lahat ng e-sabong account at e -Wallet, kabilang ang mga e-sabong merchant operator account, ay idi-disable na.

“This means that even if operators or bettors go underground, they cannot bet through G-Cash and Paymaya anymore,” ayon kay Año.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.