DILG Chief Año, nahawa ng Covid-19 sa ikatlong pagkakataon

0
136

Kinumpirma ni Interior Secretary Eduardo Año nitong Martes na nahawa na siya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa ikatlong pagkakataon.

Ang mga resulta ng test ni Año ay inilabas noong kahapon matapos malamang nag positive sa virus ang marami sa kanyang mga close contacts.

“Thankfully, I remain asymptomatic as of now. I will continue to work while isolating. I encourage everyone to get vaccinated and booster-ed as soon as possible, and to continue following health protocols,” ayon kay Año sa mensahe na kanyang ipinadala sa Philippine News Agency (PNA).

Isinumite niya ang kanyang virtual na ulat ukol sa kanyang pangatlong impeksyon kay Pangulong Rodrigo R. Duterte sa Talk to the People kagabi.

Si Año ay unang nagpositibo sa Covid-19 noong Marso 31, 2020, at sumailalim sa pangalawang pagsusuri noong Abril 8, na lumabas na negatibo.

Gayunpaman, noong Agosto 16 ng parehong taon, muling nagpositibo sa virus si Año.

Noong Enero 11, 2021, isang buwang bakasyon si Año bilang bahagi ng kanyang plano sa pagbawi sa kalusugan pagkatapos ng Covid.

Samantala, kabilang si PNP spokesperson Col. Roderick Alba sa pinakahuling kaso ng Covid-19 sa hanay ng PNP.

“I tested positive for Covid-19. Report from HS (Health Service) just came out at about 6:34 p.m., Jan 10, 2022. Sa ngayon ay may symptoms po ako – flu, dry cough, runny nose with phlegm, and body pains. I’m about to be quarantined at the Kiangan quarantine facility. I am now focusing on my immediate recovery,” ayon kay Alba sa mensaheng ipinarating nya sa mga reporters.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo