DILG chief: Ipa-finalize ng IATF ang Alert Level 1 metrics

0
247

Nakatakdang i-finalize ng Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año kahapon na nakatakdang i-finalize ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang metrics para sa mga lugar na ibababa sa Alert Level 1.

Batay sa mga sukatan, sinabi ni Año na kwalipikado ang National Capital Region (NCR) na ibaba sa Alert Level 1 ngunit nananatili pa rin ang tanong sa kahandaan ng rehiyon para sa major shift habang nag-aalala ang ilang sektor na maaaring magdulot ito ng panibagong surge.

“Base on the metrics Metro Manila is qualified but the question is if Metro Manila is ready which the mayors gave an affirmative answer. Pangalawa, siyempre, kailangan ng approval ng Presidente diyan since Alert Level 1 is a major shift from Alert Level 2 so we have yet to finalize it,” ayon sa kanyang salaysay sa kanyang pagdalo sa 36th Edsa People Power Revolution anniversary rites sa People Power Monument.

Sinabi ni Año na makabubuting hintayin ang anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte kung aaprubahan o hindi ang Alert Level 1 de-escalation sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.