DILG Chief Remulla: Walang sasantuhin sa PNP drug war probe

0
173

MAYNILA. Tiniyak ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na walang sasantuhin sa imbestigasyon sa posibleng pagkakasangkot ng mga dating hepe ng Philippine National Police (PNP) sa drug war noong administrasyong Duterte.

“Walang sacred cows sa institusyong ito at sa imbestigasyong ito,” pahayag ni Remulla sa isang pulong balitaan.

“Sinumang mapatunayang may sala, sino man sila, ay haharapin ang buong bigat ng batas. Walang special treatment, walang special privileges. Lahat ay haharap sa buong kapangyarihan ng PNP at mga institusyon ng DILG,” dagdag pa niya.

Ayon kay Remulla, ang DILG at PNP ay aaksyon agad sa mga isyung may kaugnayan sa drug war pagkatapos ng congressional hearing tungkol sa extrajudicial killings (EJK).

Samantala, sinabi ni PNP Chief Police General Rommel Marbil na nagsimula na sila sa paghingi ng mga pahayag mula sa mga dating PNP chief upang simulan ang imbestigasyon.

“Mayroon na po kami ng komite na magsisiyasat sa mga alegasyon na isiniwalat ni Colonel Garma kaugnay sa EJK at iba pang isyu,” ani Marbil.

Dahil sa mga testimonya, posible umanong muling buksan ang ilan sa mga matagal nang nakabinbing kaso.

“I think we have to wait till the full revelations are announced. I think pretty soon there will be corroborative testimonies that will abound,” ayon kay Remulla.

“I think with the testimony, some of the cold cases will be opened. But again, let us wait till the final hearings and final recommendations of QuadComm are done, and then subsequent actions will be taken,” dagdag pa niya.

Naunang inihayag ni Garma na hiniling umano sa kanya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na maghanap ng opisyal na ipatutupad ang Davao model ng war on drugs sa buong bansa

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo