DILG: Mahigit 600K kuwalipikadong tricycle driver tatanggap ng fuel subsidy

0
341

Nakatakdang tumanggap ng fuel cash subsidy ang 617,806 qualified tricycle drivers sa buong bansa sa ilalim ng “Pantawid Pasada Program for Tricycle Drivers” upang makatulong sa pagpapagaan ng kanilang pasanin na dulot ng tumataas na presyo ng langis at ng pandemya, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) kanina.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, ang fuel subsidy ay ibibigay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pamamagitan ng e-wallet account ng mga benepisyaryo o sa sangay ng Landbank of the Philippines, o off-site payout ng local. government units (LGUs).

Sa kabuuang bilang ng mga tricycle drivers-beneficiaries, sinabi ni Año na 67,536 ang mula sa Rehiyon 1; 31,638 mula sa Rehiyon 2; 83,621 sa Region 3; 162,500 sa Calabarzon; 30,340 sa Mimaropa; 35,339 sa Region 5; 59,280 sa Rehiyon 6; 11,685 sa Region 7; 6,448 sa Region 8; 9,869 sa Region 9; 8,760 sa Rehiyon 10; 8,793 sa Region 11; 21,685 sa Region 12; 6,869 sa Caraga; 68,165 sa National Capital Region; 5,040 sa Cordillera Administrative Region; at 238 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon sa kanya, ang subsidy ay dapat ipamahagi sa tatlong batch. Ang unang batch ay para sa 539,395 trike drivers na nakapagbigay ng e-wallet account habang ang pangalawang batch ay para sa 73,233 drivers na mag-a-avail ng over-the-counter (OTC) transactions sa Land Bank of the Philippines ( LBP) branch na pinakamalapit sa kanila.

Panghuli, ang ikatlong batch ay para sa 5,178 na mga driver na mag-a-avail ng on-site payout sa mga LGU.

“Nagkaroon ng validation at verification para siguraduhin na ang makatatanggap ng fuel subsidy ay ang mga lehitimong namamasada na may prangkisa at hindi colorum, may lisensya, at nakapag-submit ng mga requirements sa deadline na ibinigay ng pamahalaan,” ayon kay Año.

Hinimok din ng DILG chief ang mga city at municipal mayors na maglagay ng Pantawid Pasada Assistance and Complaint Desk o hotline para matugunan ang mga alalahanin at reklamo ng mga benepisyaryo sa listahan at pag-avail ng nasabing fuel subsidy. 

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.