DILG sa LGUs: Panatilihin ang mask rule sa indoor areas, public transportation

0
221

Nanawagan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) kanina sa mga local government units na mahigpit na ipatupad ang mask mandate ng bansa sa mga indoor areas at pampublikong transportasyon.

Sa isang pahayag, sinabi ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. na kabilang ito sa mga probisyon ng Executive Order (EO) No. 3 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ginawang boluntaryo ang paggamit ng face mask sa mga outdoor space.

“The Department is 100 percent behind President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. in the implementation of EO 3 on voluntary face mask use outdoors. But while the face mask policy has been made optional in the outdoors, the use of face masks in indoor public and private establishments and in public conveyances shall continue to be enforced, especially now that cases are on the uptick,” dagdag pa ni Abalos.

Sinabi rin ni Abalos na dapat manguna ang mga LGU sa pagtiyak na susunod ang publiko sa panuntunan sa face mask sa mga indoor na lugar at pampublikong sasakyan sa kani-kanilang mga lugar.

Idinagdag pa ng DILG chief na inatasan na rin niya ang Philippine National Police (PNP) na tulungan ang mga LGU sa pagtiyak na ang indoor at public transport facemask rule ay sinusunod ng publiko.

“LGUs and the PNP should coordinate closely in ensuring that the public continues to wear face masks indoors and in public transportation. We are still in the middle of the pandemic and we cannot let our guards down,” ayon sa kanya.

Gayunpaman, sinabi ni Abalos na ang mga high-risk na indibidwal tulad ng mga senior citizen, immunocompromised na indibidwal, at mga hindi pa ganap na nabakunahan ay mahigpit pa ring hinihikayat na magsuot ng mask at dapat na sumunod sa physical distancing sa lahat ng oras.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.