DILG: Sari sari stores, maaaring humingi ng permit sa FDA upang makapagtinda ng gamot

0
777

Maaaring kumuha ng permit mula sa Food and Drug Administration (FDA) ang maliliit na retail stores o sari sari stores upang makapag tinda ng mga over-the-couner na mga gamot, ayon kay  Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año kanina.

“Pwede namang mag-apply sila sa FDA, ‘yung mga tindahan at kung sila ay mabigyan ng authorization, pwede silang magbenta (Sari-sari stores can actually apply for FDA authorization. If they are issued authorizations, they can sell,’’ ayon kay Año sa isang panayam sa Unang Hirit ng GMA.

Ito ay matapos himukin ng mga netizen ang gobyerno na payagan ang mga sari-sari store na magbenta ng mga gamot na OTC, lalo na sa mga lugar na kulang sa mga drug store at botika.

Sa ilalim ng Section 30 ng Republic Act 10918 o Philippine Pharmacy Act, tanging ang mga retail drug outlet o botika na lisensyado ng FDA lamang ang pinapayagang magbenta ng mga gamot at sa publiko.

Gayunman, nilinaw ng DILG chief na ang mga maliliit na sari-sari stores ay maaari lamang magbenta ng mga gamot na OTC at hindi ang mga iniresetang gamot.

“Mahirap kasing kontrolin, generally pag sinabi natin ‘pwede na kayo magbenta ng OTC medicines’, kawawa naman ‘yung publiko kung fake yang gamot na yan or hindi naaayon sa prescription kaya dapat mag-ingat tayo dito,” dagdag niya.

Samantala, sinabi ng Philippine National Police (PNP) na pinag-iisipan nilang magsagawa ng “buy-bust operations” laban sa mga sari sari store na nagbebenta ng mga gamot nang walang pahintulot mula sa gobyerno.

“We can conduct buy-bust operations as it is considered illegal drugs, unregulated drugs. And we have to see if they have permits or authority or accreditation,” ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo sa isang panayam sa radyo.

Gayunpaman, sinabi ni Fajardo na dapat magkaroon ng personal na kaalaman ang pulisya tungkol sa ilegal na aktibidad na ito na lumalaganap sa isang lugar.

Nauna rito, nanawagan si Año sa mga local government units (LGUs) na magpatupad ng mga ordinansang nagbabawal sa pagbebenta ng mga gamot sa mga sari-sari stores dahil dumadami ang mga pekeng gamot sa maliliit na retail store na naglalagay sa kalusugan ng publiko sa malaking panganib.

Sinimulan na ng DILG ang crackdown laban sa mga sari-sari store na nagbebenta ng mga gamot at pekeng droga, kung saan iniutos ni Año sa PNP na agad na arestuhin ang mga lalabag.

Sa kamakailang public briefing kay Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ng FDA na nakatanggap sila ng 185 na ulat sa mga sari-sari store na ilegal na nagbebenta ng mga gamot kung saan 78 ang kumpirmadong nagkasala.

Sa bilang na ito, sinabi ng FDA na siyam na tindahan ang nagtitinda ng mga pekeng gamot kabilang ang mga gamot sa Covid-19.

Sa mga pangyayari, sinabi ng FDA sa DILG na hilingin sa lahat ng LGU na magpasa ng mga ordinansang nagbabawal sa mga sari-sari store na magbenta ng mga gamot.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.