DILG Secretary Abalos, nakiramay sa mga biktima ng riding in tandem sa Laguna

0
195

SINILOAN, Laguna. Dumalaw nang personal si Kalihim ng DILG Benhur Abalos sa bayang ito kahapon upang iparating ang kanyang pakikiramay sa mga pamilya ng dalawang biktima ng insidente ng riding in tandem noong nakaraang linggo.

Pinangunahan ni Calabarzon PNP director BGeneral Paul Kenneth Lucas at Police Colonel Gauvin Unos, Laguna PNP director ang pagsalubong sa kalihim kasama ang mga opisyal ng pamahalaang lokal ng Siniloan.

Sa kanyang pagbisita sa burol nina Lydia Sasondoncillo at Edcel Buenora, mariin niyang inatasan ang Laguna PNP at pati na ang tanggapan ni General Lucas na agarang solusyunan ang kaso, at hanapin, hulihin, at panagutin ang mga salarin at mga nag-utos sa krimen.

Naalala na sina Sasondoncillo at Buenora ay pinaslang sa isang insidente ng pamamaril at panghoholdap ng riding in tandem sa Siniloan, isang kilalang tahimik na bayan sa ikaapat na distrito ng Laguna.

Samantala, nananawagan naman ang mga pamilya ng dalawang biktima sa tanggapan ni Siniloan Mayor Patrick Go na magtakda ng mas mataas na presensya ng pulisya sa mga lugar kung saan naganap ang pagpatay.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.