DILG tatalupan ang mga sugarol na LGU execs

0
393

MAYNILA. Inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na nakahanda na siyang isumite ang listahan ng mga opisyal ng gobyerno mula gobernador hanggang barangay na lumalabag sa patakaran laban sa online gambling, upang awtomatikong ma-ban ang kanilang pangalan at mga numero ng telepono sa pag-access sa gambling sites.

Ayon kay Remulla, personal niyang nakita ang ilang pulis at empleyado ng gobyerno na naglalaro ng online gambling sa kanilang cellphone kahit oras ng break. “If you are a government official, bawal sila pumasok sa gaming sites or gaming floor kahit free time nila. Sa akin lang, kung bawal kayo sa physical casino, dapat sa online casino bawal din,” aniya.

Batay sa Memorandum Circular 2025-082, sakop ng online gambling ban ang mga opisyal at miyembro ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, National Youth Commission, Philippine Commission on Women, National Commission on Muslim Filipinos, Philippine Public Safety College, National Police Commission, at iba pang ahensya. Ang sinumang mapatunayang lumabag ay maaaring masuspinde at masampahan ng kasong administratibo sa Ombudsman.

Nilinaw ni Remulla na bagama’t legal at tinatangkilik ng ilan ang online gambling bilang libangan, mahigpit itong ipinagbabawal sa lahat ng opisyal at kawani ng pamahalaan.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo