Dinakip ng CIDG ang sekretarya ni Teves, 5 iba pa sa search warrant ops

0
361

Inaresto ng mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang tauhan ni Negros Oriental Third District Representative Arnolfo Teves Jr.

Sa isang pahayag kanina, sinabi ng CIDG na ang anim na indibidwal kabilang si Hanna Mae Sumerano Oray, secretary ni Teves, ay naaresto kasunod ng mga pagsalakay na isinagawa sa limang magkakaibang bahay sa bayan ng Basay at Bayawan City, lalawigan ng Negros Oriental noong Marso 10 sa bisa ng search warrant.

Narekober sa mga operasyon ang iba’t ibang mahaba at maiikling baril, mga bala at pampasabog.

“The six arrested persons are all detained at CIDG National Capital Region Field Unit (NCRFU), last Sunday (March 12) and also (underwent) inquest at CIDG Camp Crame,” ayon sa ulat ni CIDG Public Information Office (PIO) chief Lt. Col. Marissa Bruno.

Ang mga reklamo hinggil sa mga paglabag sa Republic Act (RA) 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Law on Explosives (RA 9516) ay inihain laban kina Jose Pablo Gimarangan at Roland Aguisanda Pablio.

Sinabi ng CIDG na si Teves ay “impleaded as respondent” din sa mga nasabing kaso.

Sa kabilang banda, ang mga reklamo para sa paglabag sa RA 10591 ay inihain laban kina Oray, Heracleo Sangasin Oray, Rodolfo Teves Maturan, at Joseph Kyle Catan Maturan.

“Unfortunately, Congressman Arnolfo Teves Jr. Kurt Mathew Teves, and Axel Teves were not around during the said implementation of the SWs in their house; however, the criminal complaints against them for violation of RA 10591 and RA 9516 will be filed as soon as possible. [H]owever, the criminal complaints against them for violation of RA 10591 and RA 9516 will be filed as soon as possible,” ayon sa statement ng CIDG.

Sinabi ni CIDG director, Brig. Gen. Romeo Caramat na ang CIDG ay nagpapatupad ng batas anuman ang katayuan ng isang tao sa lipunan.

“We will assure impartiality in the conduct of the investigation and will hold criminals accountable for the offense they committed,” ayon kay Caramat.

Ang raid ay may kaugnayan sa mga kasong murder na inihain ng CIDG laban kay Teves at limang iba pang indibidwal noong Marso 7 kaugnay ng 2019 na pagpatay sa tatlong indibidwal sa Negros Oriental.

Kinasuhan ng CIDG si Teves at isang Hannah Mae, na sinasabing kanyang secretary, sa harap ng Department of Justice.

Dalawang counts ng pagpatay ang isinampa laban kay Richard Cuadra alyas “Boy Cuadra,” Jasper Tanasan alyas “Bobong Tansan” at Rolando Pinili alyas “Inday,” at isang count ng pagpatay laban kay Alex Mayagma.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.