Dinala ng SpaceX ang 4 na astronaut para sa NASA pagkatapos ng isang private flight

0
488

Inihatid ng SpaceX ang apat na astronaut sa International Space Station para sa NASA noong Miyerkules, wala pang dalawang araw pagkatapos makumpleto ang isang flight na na-charter ng tatlong milyonaryo.

Ito ang unang crew ng NASA na binubuo ng mga lalaki at babae, kabilang ang unang babaeng Itim na si Jessica Watkins, na gumagawa ng pangmatagalang spaceflight.

“This is one of the most diversified, I think, crews that we’ve had in a really, really long time,” ayon kay NASA’s space operations mission chief Kathy Lueders.

Dumating ang mga astronaut sa space station noong Miyerkules ng gabi, 16 na oras lamang pagkatapos lumipad mula sa Kennedy Space Center na ikinatuwa ng mga manonood.

“Anyone who saw it realized what a beautiful launch it was,” ayon kay Lueders sa mga reporters. 

Pagkatapos ng express flight na maihahambing sa paglalakbay mula New York papuntang Singapore, ang crew ay mananatili ng limang buwan sa space station.

Ang SpaceX ay nakapagdala na ng limang crew para sa NASA at dalawang pribadong biyahe na tinaguriang ‘space tourism’ sa loob lamang ng dalawang taon. Katatapos lamang nitong dalhin ang tatlong mayayamang negosyante sa space station bilang mga unang pribadong bisita ng NASA sa kalawakan.

Photo credits: kake.com
Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.