Tukoy na ng Comelec ang 31 campaign donor contractors
MAYNILA. Inamin ni Sarah Discaya sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na bumili siya ng isang Rolls Royce matapos magandahan sa isang payong. Kinumpirma rin niya na mayroon siyang kabuuang 28 luxury vehicles, kabilang ang Rolls Royce, Cadillac, Bentley, at iba pang mamahaling sasakyan na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P200 milyon.
Kabilang sa kanyang car collection ang Rolls Royce Cullinan (P42 milyon), Mercedes Benz Maybach (P22 milyon), Bentley Bentayga (P20 milyon), dalawang Cadillac Escalade (tig-P11 milyon), at iba pang high-end vehicles. Samantala, ibinunyag ni Senate Minority Leader Vicente “Tito” Sotto III na dati nang nasangkot ang Frebel Enterprises, isa sa pinagbilhan ni Discaya, sa pag-smuggle ng dalawang Bugatti Chiron sports car sa bansa. Nilinaw naman ni Discaya na wala siyang Bugatti.
Samantala, kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) na umabot na sa 31 contractors ang natukoy nilang nagbigay ng campaign donations sa mga kandidato noong 2022 elections. Sa briefing ng House Committee on Appropriations, sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na hindi muna isasapubliko ang mga pangalan dahil posible umanong hindi proyekto ng gobyerno ang hawak ng ilan sa kanila nang magbigay ng kontribusyon.
Dagdag pa ni Garcia, nakikipag-ugnayan na ang Comelec sa Department of Public Works and Highways (DPWH) upang matukoy kung ang mga naturang contractors ay may hawak na kontrata sa gobyerno bago magsumite ng certificates of candidacy ang mga kandidato.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo





