Pakil, Laguna. Nagsagawa ng Diskwento Caravan (DC) ang Department of Trade and Industry-Laguna Provincial Office, sa pamamagitan ng Consumer Protection Division nito upang itaguyod ang consumerism sa bayang ito kahapon.
Ang Diskwent Caravan ay nagbigay ng tulong sa mga mamimili sa mga barangay sa pamamagitan ng pagbibigay ng diskwento sa mga pangunahing bilihin. Ito ay nagbibigay-daan sa pagbili sa mga kalakal sa mababang presyo sa higit na maraming kabahayan, lalo na sa mga 4th, 5th at 6th class municipalities sa Laguna.
Ang nabanggit na caravan ay sa pakikipagtulungan sa Puregold Price Club, Inc. at sa Local Government Unit ng Pakil, Laguna. Sa pamamagitan ng ang kanilang layunin na magbigay ng makatwirang presyo sa publiko na direktang makakatulong sa kabuhayan at nutrisyon ng kanilang mamamayan.
Noong 2021, ang DTI-Laguna ay nagtaguyod ng 88 ng Diskwento Caravan sa pamamagitan ng Consumer Protection Division nito. Ito ang pinakamaraming run ng Diskwento Caravan sa buong bansa.
Samantala, patuloy nitong bibigyang-diin ang inisyatiba sa taong kasalukuyan ang layuning makapaglingkod sa pinakamahusay na interes ng publiko, ayon sa DTI-Laguna.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.