Djokovic, nag-aalok ng tulong habang si Stakhovsky ay sumali sa digmaan laban sa Russia

0
250

Nag-alok ng tulong ang Serbian tennis star na si Novak Djokovic sa retiradong manlalarong Ukrainian na si Sergiy Stakhovsky, na bumalik sa kanyang bansa upang tumulong sa pakikipaglaban sa Russia.

Si Stakhovsky, na nanalo ng apat na ATP title, ay nag-post sa Instagram noong Linggo ng screenshot ng kanyang pakikipag-usap sa WhatsApp sa Serbian superstar.

“Thinking of you … hope all calms down soon. Please let me know what would be the best address to send help. Financial help, any other help as well … ” ayon sa mensahe ni Djokovic.

“Nole thanks a lot, I am on the ground Kyiv is pretty silent,” ayon naman sa sagot ni Stakhovsky. 

Ang 36 anyos na si Stakhovsky ay nagdeklara ng kanyang pagreretiro noong Enero. Iniwan niya ang kanyang asawa at mga anak sa Hungary at nag-sign up para sa mga military reservist ng Ukraine.

Sa isa pang post kung saan ibinahagi niya ang isang larawan na kasama ang kanyang pamilya, sinabi ni Stakhovsky na: “We are all fighting for our children’s future … Wait a little bit longer … I will return to you.”

Nauna dito, sinabi niyang hindi niya akalain na kakailanganin niyang magsuot ng bulletproof vest sa Kyiv.”It’s a disaster the way Russia invaded Ukraine … Bombing cities … killing innocent people … World we must unite to make it stop …” ayon sa kanya.

Ang digmaan sa Ukraine, na nagsimula noong Peb. 24. Naging tampok ito ng internasyonal na pagkondena na humantong sa mga pinansiyal na parusa sa Moscow at nag-udyok sa pag alis ng mga international companies mula sa Russia.

Mahigit sa 1.7 milyong tao ang lumikas mulasa Ukraine patungo sa mga kalapit na bansa, ayon sa UN Refugee Agency.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.