DMW: Walang nasaktang Pinoy sa malawakang baha sa UAE

0
464

Walang naiulat na nasawi o nasugatan na mga Pilipino ayon sa pahayag ng Department of Migrant Workers (DMW) sa malawakang pagbaha sa United Arab Emirates (UAE).

Ayon sa DMW, patuloy nilang binabantayan ang mga update sa mga lugar na apektado ng baha sa UAE, kasama ang regular na pagmamasid sa kalagayan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa bansa.

“Walang naiulat na namatay o nasugatan na mga Pilipino, umaasa kami na ito ay mananatili,” sabi ng DMW.

Bilang paghahanda, nag-aalok na ng tulong ang mga migrant workers offices (MWOs) sa Abu Dhabi at Dubai sa mga OFWs sa pamamagitan ng paghahanda ng pagkain at iba pang pangangailangan.

Sinabi rin ng DMW na nagresulta ang pagbaha sa pagsuspindi ng trabaho ng Philippine Consulate General Office at MWO sa Dubai.

Nanatili namang hamon ang transportasyon sa mga apektadong lugar dahil sa baha, ayon pa sa DMW.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.