DND: Itigil ang pagkalat ng fake news tungkol sa MUP pension bill

0
229

Hinikayat ng Department of National Defense (DND) kahapon ang publiko na iwasang magkalat ng mga hindi beripikado at mapanlinlang na impormasyon hinggil sa status ng panukalang batas na naglalayong repormahin ang sistema ng pensyon para sa military and uniformed personnel (MUP).

“The DND has taken note of false information circulating online regarding the pension of MUP. We would like to call on the public to refrain from spreading unconfirmed and misleading posts, and be discerning about the information they are consuming and sharing,” ayon kay Defense spokesperson Arsenio Andolong.

Idinagdag niya na ang MUP pension reform bill ay pinag-uusapan pa rin sa Kongreso at sa kasalukuyan ay walang pagbabago sa kasalukuyang sweldo ng mga aktibong tauhan at pensiyon ng mga retirado mula sa uniformed service.

“The salary standardization for civilian government employees under R.A. (Republic Act) 11466 (Salary Standardization Law of 2019) excludes military and uniformed personnel, as provided under Section 4(a) of the law,” ayon kay Andolong.

Ang reporma ay naglalayong lumikha “salary standardization for civilian government employees under R.A. (Republic Act) 11466 (Salary Standardization Law of 2019) excludes military and uniformed personnel, as provided under Section 4(a) of the law,” ayon kay Andolong.

Nauna rito, kinumpirma ng DND at ng Department of Finance (DOF) na ang panukalang reporma ng administrasyong Duterte sa MUP pension system ay ilalapat lamang sa mga bagong pasok sa serbisyo.

“While the versions in Congress and Senate have yet to be finalized, the reform intends to control the looming PHP9.6 trillion worth of unfunded pension liabilities, which may continue to grow if the current scheme prevails,” dagdag pa ni Andolong.

Binanggit din ng DOF na ang reporma sa pensyon ng MUP ay tungkol sa pagsasalba ng pension system at napakahalaga nito sa post-coronavirus pandemic fiscal at economic recovery ng bansa.

Ang mga talakayan ng Senado sa pagmumungkahi ng pagbabago ay umiikot sa paglikha ng dual pension structure. Layunin nitong panatilihin ang kasalukuyang sistema ng pensyon at mga benepisyo sa pagreretiro ng mga kasalukuyang aktibo at retiradong tauhan ngunit ilalapat lamang sa mga papasok sa serbisyo kapag naging epektibo ang batas.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.