MAYNILA. Hindi na itutuloy ni Doc Willie Ong ang kaniyang kandidatura sa pagka-senador sa darating na 2025 midterm elections upang bigyang-pansin ang kaniyang kalusugan.
“I am officially withdrawing my candidacy for the 2025 elections so I can focus more on taking care of my health,” anunsyo ni Ong sa kaniyang Facebook account nitong Pebrero 13.
Nagpahayag siya ng pasasalamat sa mga sumuporta at nanalangin para sa kaniya, sabay pangakong patuloy na susuporta sa mabuting pamamahala at mga adhikaing katulad ng sa kaniya.
“Our advocacy to help the poor Filipinos continues even in my private capacity,” dagdag pa niya.
Matatandaang noong nakaraang taon ay isiniwalat ni Ong na siya ay may abdominal cancer o sarcoma. Sa kabila nito, nag-file pa rin siya ng kaniyang certificate of candidacy (CoC) para sa 2025 elections, gaya ng ginawa niya noong 2022 nang tumakbo siya bilang bise presidente, bagamat hindi siya pinalad na manalo.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo