Posibleng magkaroon ng bahagyang pagtaas sa presyo ng gasolina at diesel sa susunod na linggo, ayon sa tantya ng Department of Energy (DOE). Ito ang ikatlong pagsasaayos ng presyo para sa taong ito.
Ayon sa pahayag ni Rodela Romero, Director III ng Oil Industry Management Bureau, maaaring tumaas ang presyo ng gasolina ng P0.65-P0.85 kada litro habang P0.45-P0.65 kada litro naman ang posibleng itaas ng diesel sa susunod na linggo.
Tinukoy din ni Romero na ang presyo ng kerosene ay maaaring manatili sa kasalukuyang presyo o magkaroon ng maliit na rollback na P0.10 kada litro, batay sa unang apat na araw ng pangangalakal sa Mean of Platts Singapore.
Ayon sa opisyal ng DOE, ang pagtaas ng tensyon sa Middle East at ang inaasahang paglago ng OPEC sa demand ng langis sa 2024-2025 ang nagiging dahilan ng pagtaas ng presyo ng langis.
Ang mga motorista at sektor ng transportasyon ay maaaring makaramdam ng epekto ng posibleng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo. Ang DOE ay nagpapayo sa publiko na maging handa at gumamit ng mga alternatibong paraan ng transportasyon upang maibsan ang posibleng pagtaas ng gastusin.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo