DOH: 3.5M jabs, naibigay sa Bayanihan, Bakunahan 3

0
459

Nabakunahan ang humigit kumulang 3.5 milyong tao sa ikatlong serye ng national vaccination drive ng Pilipinas na “Bayanihan, Bakunahan” mula Pebrero 10 hanggang 18, ayon sa ng Department of Health (DOH) kahapon.

Bagaman at hindi naabot ang target ng DOH na limang milyon, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang resulta ng drive ay tagumpay pa rin sa pagsisikap nito na labanan ang coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.

“Itutuloy-tuloy lang natin ang pag-ramp up ng vaccination para ma-cover natin hangga’t maaari ang populasyon,” ayon sa kanya sa Laging Handa briefing.

Sinabi ni Vergeire na ang susunod na posibleng estratehiya na maaaring gawin ng gobyerno ay ang paglalapit ng pagbabakuna sa mga komunidad, kabilang ang pagpapalakas ng house-to-house initiative nito.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.