DOH: 3,148 bagong COVID cases naitala sa loob ng 1 linggo

0
151

Nakapagtala ng 3,148 bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health (DOH) sa loob ng isang linggo mula  April 17 hanggang 23.

Ayon sa weekly bulletin ng DOH, may average na 450 kaso bawat araw. Ito ay tumataas ng 32% kumpara noong nakaraang linggo.

Sa mga bagong kaso, 14 dito ang nasa kritikal na kondisyon. Mayroon ngayong 345 na pasyente sa kritikal na kondisyon sa mga ospital, na naglalarawan sa 8.7% ng kabuuang bilang ng COVID-19 admissions sa buong bansa. Mayroon din namang limang namatay dahil sa COVID-19.

As of April 24, mahigit 4.08 milyon na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, kung saan mayroong 4,336 active cases. Mayroong 4.01 milyong naka-recover samantalang 66,444 ang namatay.

Ayon sa DOH, mayroon nang higit sa 78 milyon na taong nabakunahan laban sa COVID-19, kabilang ang 23 milyong may booster shots.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo