DOH: 4 na Pinoy travelers mula sa China ang nahawahan ng Omicron sub variants

0
272

Apat sa walong Filipino traveler mula sa China na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) at nahawahan ng dalawang Omicron sub variants, ayon kay  Department of Health Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea de Guzman noong Biyernes.

Sa isang online townhall meeting, iniulat ni de Guzman na tatlo ang infected ng BF.7 habang ang isa ay infected ng BA.5.2.

“Ito ‘yung mga hindi bagong variants. Dati na nating ‘tong mga nade-detect,” ayon sa kanya.

Ang mga sample ng iba pang apat na manlalakbay ay walang assigned lineage.

“Minsan pagka-transport nade-degrade ‘yung quality ng specimen kaya hindi natin ma-sequence,” ayon pa rin kay de Guzman.

Nauna rito, sinabi ng World Health Organization na ang BF.7 at BA.5.2 ang nagtutulak sa kamakailang wave ng mga impeksyon sa Covid-19 sa China.

Noong Disyembre 27, 2022 hanggang Enero 2, 2023, pumasok sa bansa ang walong Pinoy na manlalakbay mula sa China. Lahat sila ay hindi nabakunahan at nag positibo sa test sa pamamagitan ng antigen screening pagdating sa airport.

Mayroon silang 89 na close contact at isa lamang sa mga contact na ito ang nagpakita ng mga sintomas ng Covid-19. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.