DOH: 41.4K ang nakarekober sa Covid-19

0
161

Iniulat ng Department of Health (DOH) kahapon, Enero 22, 2022 ang kabuuang 30,552 na bagong impeksyon sa Covid-19 at 41,471 na bagong nakarekober.

Ang mga aktibong kaso ay tumaas sa 280,619 habang ang kabuuang mga nakarekober ay tumaas sa 3,053,499, o 90.1 porsyento ng 3,387,524 na impeksyon mula nang magsimula ang pandemya noong Marso 2020.

Sa kabuuang aktibong kaso, sinabi ng DOH na 8,591 ang asymptomatic, 267,236 ang may banayad na sintomas, 2,996 ang katamtaman, 1,491 ang malala, at 305 ang kritikal.

“Sa 30,552 na naiulat na mga kaso ngayong araw (Sabado), 28,926 (95 porsiyento) ang nangyari sa loob ng nakalipas na 14 na araw, Enero 9, 2021 hanggang Enero 22, 2022,” ayon sa DOH.

Ang mga rehiyon na may pinakamaraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay 4-A (Calabarzon), 5,991 o 21 porsyento; National Capital Region (NCR), 5,989 o 21 porsyento ng mga bagong impeksyon; at Central Luzon, 2,563 o 9 porsyento.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.