DOH: Alert Level 1 ang hudyat ng new normal ng PH

0
543

Papasok ang bansa sa “new normal” kapag naideklara na ang Alert Level 1, ayon sa Department of Health (DOH) kahapon.

Bagama’t maaaring asahan ng publiko ang mas maluwag na mga restrictions sa ilalim ng kategoryang ito, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mananatili ang minimum public health standards, kabilang ang pagsusuot ng mask at physical distancing.

“Slowly, in the coming weeks and months, we will transition to our new normal kung magtuloy-tuloy ang pagbaba ng kaso natin. Kapag nag-alert level 1 tayo, ‘yon iyong ating pamantayan, that’s our protocol– na ‘yong restrictions talaga for establishments and even public transport mawawala po ‘yan. Kaya ang sinasabi natin ay alert level 1 really is our new normal,” ayon sa kanya sa Laging Handa briefing.

Wala pang tiyak na timeline kung kailan maaaring ibaba ang deklarasyon ngunit ayon sa mga opisyal, naghahanda na ang gobyerno para sa posibleng paglilipat na ito.

Sinabi niya na dapat munang panatilihin ng bansa ang trend ng kaso nito sa “minimal to low risk” at average na daily attack rate sa mas mababa sa pitong rehiyon.

Ang health care utilization risk ay dapat ding nasa low risk at ang coverage ng pagbabakuna sa lahat ng rehiyon ay dapat mahigit na sa 70 porsiyento ng mga target na indibidwal.

Ang mga pampubliko at pribadong lugar ay dapat ding sumunod sa mga protocol sa kaligtasan na ibinigay ng pamahalaan government-issued safety protocols.

“The government is now preparing, hindi lang para sa komunidad kundi para sa pangkalahatan, pati establishments we are preparing para maging safe spaces sila sa ating mga kababayan (we’re not preparing the community but also the establishments so that they can be safe spaces for our people)” ayon kay Vergeire.

Sa kasalukuyan, ang karamihan sa mga rehiyon ay nananatiling nasa ilalim ng alinman sa Alert Level 3 o 2.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.