DOH: Ang pambansang vax rollout ay nagbibigay ng silver lining sa gitna ng pandemya

0
340

Palaging may silver lining kahit sa gitna ng pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019, ayon kay Presidential Adviser on Covid-19 response Vince Dizon kahapon.

Sa Pilipinas, ang malawakang pagbabakuna at tuluy-tuloy na paghahatid ng mga jab na binili at donasyon, ang pumipigil sa mga malalang sintomas, ospital, at maging ang kamatayan sa kabila ng mataas na hawahan ng Omicron variant, ayon sa kanya.

“Ang pruweba po niyan ay hindi po ganoon kabilis ang pagpuno ng ating mga ospital (Proof of this is that our hospitals are not getting filled up that fast),” ayon sa deputy chief of the National Task Force Against Covid-19 sa “Laging Handa” briefing.

Inalala ni Dizon kung paano nakipagbuno ang bansa sa pagtaas ng mga kaso ng Delta sa pagitan ng Agosto at Setyembre noong nakaraang taon noong ang  health care system  ay napuno ng mga pasyenteng may sintomas.

“Ang silver lining talaga natin dito ay marami nang nabakunahan. Ngayon po hindi pa gaano at iyon po ay pruweba na ang ating mga bakuna ay epektibo laban sa Covid-19,” ayon kay Dizon.

Hinimok niya ang mga hindi pa nababakunahan na magpa- jab na dahil sila ang target ng variant ng Omicron.

Sa ngayon ay nakapagbigay na ang Pilipinas ng 113,364,030 doses ng mga bakuna laban sa coronavirus sa buong bansa, kabilang ang mga pangalawang dosis para sa 52,393,229 at 3,327,416 na booster dose.

*Silver lining, nangangahulugan na ang isang negatibong pangyayari ay maaaring may positibong aspeto.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.