DOH: Bagong COVID-19 vaccine kailangan na dahil sa pagkalat ng FLiRT variants

0
171

MAYNILA. Kailangan na ng Pilipinas ang mga bagong COVID-19 vaccines dahil sa pagkalat ng mga bagong FLiRT variants ng virus, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni DOH Assistant Secretary Albert Domingo na bagama’t epektibo pa rin ang mga bakunang natanggap ng mga Pilipino laban sa COVID-19, hindi na ito kasing lakas ng dati kaya’t kailangan nang palakasin muli.

“Hindi na siya kasing lakas as noong para sa Alpha and the Delta – na iyon iyong mga original na variants, pero meron pa rin tayong residual immunity,” ani Domingo sa isang panayam sa media.

Ipinaliwanag niya, “Kumbaga iyong natitira – iyan sa Tagalog – natitirang immunity na kailangan palakasin na natin uli.”

Nilinaw naman ni Domingo na hindi pa sila naaalarma sa mga bagong variants ng COVID-19 ngunit nananatili silang nakaalerto dito. Maaari rin aniyang hindi naman lahat ay kailangang bigyan ng bakuna, kundi yaong mga high risk lamang sa karamdaman.

Ang importante, ayon kay Domingo, ay magkaroon na ng bagong bakuna sa ngayon. “Kailangan na nating magkaroon noong mga bagong bakuna,” dagdag pa niya.

Patuloy na mino-monitor ng DOH ang sitwasyon upang matiyak na handa ang bansa sakaling lumala ang pagkalat ng mga bagong variants.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.