DOH: Bakuna ang pinakamabisang depensa laban sa Covid-19 at hindi natural immunity

0
446

“Nilinaw ng World Health Organization na ang variant ng Omicron ay virus pa rin at hindi isang natural na bakuna.” Sinabi ng Department of Health (DOH) na kung mas maraming transmission, mas maaaring maraming mag-mutate at mag-replicate na virus. Bagama’t kinikilala natin ang natural na kaligtasan sa sakit, binibigyang-diin ng DOH ang kahalagahan ng immunity na dulot ng bakuna.

Nauna dito nagpakalat ng pahayag si Fr. Nicanor Austriaco, Research Fellow ng OCTA Research noong Huwebes na ang variant ng Omicron ay maaaring kumilos bilang isang natural na bakuna dahil ang virus ay hindi makapasok sa baga ng tao kung kaya mas banayad ang mga sintomas nito.

Binanggit ni Austriaco na ang mga indibidwal na makakaligtas sa variant ng Omicron ay makakakuha ng mga antibodies na maaaring magbigay ng proteksyon laban dito at iba pang mga variant gaya ng Delta, Gamma, Beta, Alpha, at D614G. Dahil dito, sinabi ni Austriaco na ang proteksyon ng populasyon ay makakamit at ang pandemya ay magtatapos.

Pinabulaanan naman ito ng WHO at ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Sinabi niya na ang mild symptoms ay manifestations pa rin ng infection at isa pa ring paraan ng transmission.

Pinaalalahanan ni Vergeire ang publiko sa isang mensahe noong Biyernes ng gabi na hindi dapat maging kampante kahit na ang variant ay nagpapakita lamang ng banayad na sintomas.

“The World Health Organization pronounced that the Omicron variant is still a virus and not a natural vaccine. The DOH states that the more transmission, the more the virus can mutate and replicate. While we recognize natural immunity, the DOH emphasizes the importance of vaccine-induced immunity,” ayon sa kanya.

Binanggit ni Vergeire na hindi lahat ng indibidwal ay maaaring magkaroon ng natural immunity sa sakit at ang mga bakuna pa rin ang nagbibigay ng pinakamahusay na proteksyon laban sa virus upang maiwasan ang pagpapa ospital.

Bukod sa pagpapabakuna, patuloy na hinihimok ng DOH ang publiko na mahigpit na sundin ang minimum public health standards upang hindi madagdagan ang posibilidad ng virus transmission at mutation na maaaring magresulta sa mas nakamamatay na variant.

“By properly following these protocols, we help in mitigating the pandemic. We would like to avoid another Delta picture where our hospitals were fully congested,” ayon kay Vergeire.

Photo credits: San Pablo City Information Office
Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.