DOH: Bumababa ang kaso ng Dengue, sundin pa rin ang 5S strategy

0
416

Simula noong nakaraang buwan, unti-unti nang bumababa ang bilang ng kaso ng dengue sa bansa, ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH).

Ayon sa DOH, naitala ang 10.96% na pagbaba, o katumbas ng 12,169 mula October 15 hanggang October 25, kumpara sa 12,619 ng October 1-14. Dagdag pa ng ahensya, walang rehiyon sa Pilipinas ang nag-ulat ng pagtaas ng kaso mula October 1 hanggang November 11.

Gayunpaman, may mga bagong kaso ng dengue na naitala sa Region 2, 5, at 7 sa nakalipas na apat na linggo. Sa mga bagong kaso, 614 ang namatay, na may fatality rate na 0.34%.

Upang maiwasan ang pagtaas ng kaso, nanawagan ang DOH sa publiko na sundin pa rin ang 5S strategy laban sa dengue, kabilang ang search and destroy; self-protect; seek consultation; support fogging sa mga outbreak areas; at sustain hydration.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo