DOH: COVID-19 at iba pang sakit, posibleng tumaas ngayong amihan

0
25

MAYNILA. Nagbabala ang Department of Health (DOH) na posibleng tumaas ang bilang ng mga kaso ng respiratory infections sa bansa ngayong malamig na panahon dulot ng Amihan. Kabilang sa mga sakit na ito ang ubo, sipon, at maging COVID-19.

Ayon kay DOH Secretary Teodoro Herbosa sa isang ambush interview kahapon, maaaring lumala ang mga sakit na ito at magdulot ng pneumonia, pagkaka-ospital, o pagkamatay kung mapapabayaan.

“So we take care of the high-risk people. Ganoon din ‘yung very small children, they can also have bronchopneumonia and be hospitalized,” pahayag ni Herbosa.

Dagdag pa niya, “It’s actually dahil kulob kasi ang isang room with one people coughing, hawa-hawa na kayo ng acute respiratory infection. Ubo, sipon, lagnat, pati COVID.”

Bukod sa COVID-19, inihayag din ni Herbosa na mahigpit nilang mino-monitor ang mga influenza-like illnesses (ILIs) at water-borne diseases ngayong Amihan season.

Bilang paalala, hinimok ni Herbosa ang publiko na:

  • Panatilihing malinis ang mga kamay.
  • Magsuot ng face mask sa mga pampublikong lugar.
  • Tiyaking regular na umiinom ng tubig upang manatiling hydrated.

Samantala, kinumpirma ng PAGASA na opisyal nang nagsimula ang Amihan season, na nagdadala ng unti-unting paglamig ng panahon sa bansa.

Patuloy ang paalala ng DOH na mag-ingat at protektahan ang kalusugan, lalo na ang mga bata at matatandang kabilang sa high-risk groups.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.