DOH: Estable ang supply ng vax sa PH vax ngunit nakikita ang pagtaas ng gastos sa shipping

0
367

Makakaapekto sa supply ng bakuna sa bansa ang krisis sa Europe kasunod ng pagsalakay ng Russia sa Ukraine sapagkat karamihan sa mga ito ay galing sa mga western countries, malamang na tumaas ang mga gastos sa transportasyon, ayon sa Department of Health (DOH) kahapon.

“As of now, we do not see any problem in terms of the other vaccines except that siguro baka tumaas in terms of the transport… baka tumaas iyong presyo kasi nga iyong pag-transport, etc. But I’m sure we will be able to manage basta naayos na iyong ating mga contract agreements,” ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje sa Laging Handa briefing noong siya ay tanungin kung paano makakaapekto ang Ukraine-Russian was sa delivery ng mga bakuna.

Noong Pebrero 24, tumaas ang presyo ng langis ng mahigit na USD100 kada bariles matapos maglunsad ang Russia ng military assault laban sa Ukraine.

Sa kasalukuyan, sinabi ni Cabotaje na nasa track pa rin ang mga delivery ngunit may ilang mga pagkaantala sa pagpapadala ng mga bakuna para sa lima hanggang 11 taong gulang.

“May kaunting aberya but naayos na iyan in terms of the payments. So imbes na may dadating na 1.6 million. We hope na on track pa rin iyong pagbigay ng ibang shipment ng ating five to eleven years old na bakuna. But iyong ating mga ibang bakuna, iyong ating adult na Pfizer ay on track naman po iyan,” dagdag niya.

Samantala, nabanggit niya na ang bansa ay walang plano na bumili ng dagdag na bakunang Sputnik V dahil ang mga supply para sa mga jab na gawa sa Russia ay “sapat” na.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.