DOH: Handa ang mga ospital sa kaso ng monkeypox

0
250

Handa ang health care system ng bansa na pangasiwaan ang mga kaso ng monkeypox virus, ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje sa isang televised public briefing.

Mahigpit na nakikipagtulungan ang Department of Health (DOH) sa mga stakeholder nito sakaling pumasok ang monkeypox virus sa bansa, ayon sa kanya.

“The basic infection control is the same. Actually, naka-exercise na tayo with Covid-19,” ayon kay Cabotaje.

Nauna dito, sinabi ng DOH na ipapatupad nito ang four-door strategy, ang balangkas ng National Emergency Operational Response Plan upang maiwasan at makontrol ang mga emerging infectious diseases at upang maiwasan ang pagpasok ng monkeypox sa bansa.

Ang diskarteng “Prevent, Detect, Isolate, Treat and Reintegrate” ay ipapatupad ng DOH.

“We were informed by the Bureau of Quarantine, there are no direct flights in the affected areas, so at the point of lay over na-i-screen na.  Nevertheless, we will have to look at surveillance and other questions for those who may have been coming or who have passed through these areas,” dagdag niya.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.