DOH: Hindi pa kailangan ang mandatory face mask sa gitna ng flu season

0
318

MAYNILA — Wala pang dahilan ang Department of Health (DOH) para ipag-utos ang mandatory na paggamit ng face mask kahit na nagsimula na ang flu season ngayong ‘ber months’.

Ayon kay DOH Assistant Secretary at Spokesperson Dr. Albert Domingo, isinasaalang-alang ng ahensya ang pagtaas ng severe hospitalization at ang pagdagsa ng pasyente sa intensive care unit (ICU) bago magdesisyon sa mandatory mask policy.

“Not yet. What we look at when we’re thinking of a mandate is the increase in severe hospitalization. We also see if the ICUs are congested, and we haven’t seen anything like that,” ani Domingo nang tanungin tungkol sa posibleng mandatory face mask sa Metro Manila.

Dagdag pa niya, bagama’t flu season, wala pa ring naiulat na outbreak ng sakit sa bansa.

Nilinaw din ni Domingo na kahit hindi ini-mandato ng DOH ang pagsusuot ng face mask, malaya pa rin ang publiko na gumamit nito bilang proteksyon laban sa iba’t ibang karamdaman.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo