DOH: Hindi pa umaabot sa endemic state ng Covid-19 ang PH

0
501

Ang pandemya ng Covid-19 ay hindi pa tapos, at ang bansa ay hindi pa umabot sa endemic na estado ng virus, ayon sa isang opisyal ng Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kahapon, isang araw matapos ilagay ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang Metro Manila at 38 iba pang lugar sa pinakamababang Alert Level 1 status mula Marso 1 hanggang 15.

“Ang ibig sabihin po ng endemic state ay ang virus ay nandiyan na kasama na po naten dito sa ating buhay, ngunit, acceptable na po ang mga numero ng ating mga kaso, acceptable na rin po sa ating,” ayon kay Vergeire sa isang press briefing sa Palasyo.

Sinabi niya na ang endemic state ay maaaring maabot kapag ang mataas na bilang ng pagbabakuna sa bansa ay kaya ng balansehin ang hawahan ng Covid-19.

Idinagdag niya na ang kamatayan dahil sa Covid-19 ay katanggap-tanggap din sa panahon ng endemic na estado.

“Darating po tayo diyan na magiging predictable at manageable ang mga kaso sa ating bansa,” ayon kay Vergeire.

Nagbabala si Vergeire na maaari pa ring itaas ng IATF ang Alert Level System kung muling tumaas ang kaso ng Covid-19.

“If a new variant enters the country causing transmission or severe forms of the disease, we may again escalate our alert level,” ayon sa kanya.

‘Hindi pa oras para magdiwang’

Samantala, sa kasabay na media briefing, hinimok ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang publiko na manatiling responsable sa pamamagitan ng pagsusuot ng face mask “sa lahat ng oras” at iwasan ang mga mass gathering.

“Tagumpay mang maituturing ang ating pagsampa sa Alert Level 1, hindi pa panahon para magdiwang. Kailangan pa rin po nating maging responsable sa ating sarili, sa ating pamilya at sa ating komunidad,” ayon sa kanya.

Binigyang-diin ni Nograles ang banta ng Covid-19 pandemic, kaya inulit niya ang panawagan sa mas maraming Pilipino na magpabakuna.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.