DOH: Huwag makampante, umiiral pa rin ang Covid-19

0
250

Nagbabala sa publiko si National Task Force (NTF) Against Covid-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa kahapon na huwag maging kampante sa gitna ng pagbaba ng aktibong kaso ng coronavirus sa bansa.

“Huwag nating kakalimutan ibaon ang ating mga face mask, surgical mask at N-95 mask. Tuluy-tuloy pa rin ang recommendation ko na huwag nating alisin iyang recommendation na iyan,” ayon kay Herbosa sa Laging Handa briefing.

Sinabi ni Herbosa na ang kinatatakutang coronavirus ay umiiral pa rin sa bansa, kahit na sa mga lugar na nasa ilalim ng hindi gaanong mahigpit na Alert Level 1 system.

“Ang experience ng ibang bansa na mataas ang vaccination rate, inalis nila lahat ng mga restrictions, iyong hindi pagsuot ng mask, tinanggal nila. Inalis na nila iyong mask then tumataas iyong kaso nila ,” ayon sa kanya.

Sinabi ni Herbosa na kailangan pa ring ipagpatuloy ang pagsunod sa public minimum health standards kahit na tumataas ang coverage ng pagbabakuna.

“Mas maganda iyong mga bakasyon na medyo hindi masyadong risky. So, gamitin natin iyong ating kaalaman at common sense sa dalawang taon na naman nating ginagawa. So, hindi na dapat maiba , even if we are allowed to do family vacation or visiting tourist destination dito sa Pilipinas,” dagdag pa niya.

Nakapagtala ang Pilipinas ng 2,651 bagong kaso mula Marso 23 hanggang 29, mas mababa sa 3,319 na impeksyon mula noong nakaraang linggo.

Ang average na bilang ng mga araw-araw na kaso ay nasa 378, na may isang kaso lamang ang nadagdag sa tally ng malubha at kritikal na mga kaso.

Nanatiling mababa sa 1.61 porsyento ang pinagsama-samang case fatality rate ng bansa habang nasa 97.3 porsyento ang recovery rate.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo