DOH: Kaso ng Covid-19 bahagyang tumataas

0
384

Ang bahagyang pagtaas sa mga kaso ng Covid-19 ay maaaring sanhi ng mga campaign sorties, maluwag sa paglabas, at hindi pagsunod sa mga health protocols, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kahapon.

Sa nakaraang weekend, iniulat ng Department of Health na 13 lugar sa labas ng National Capital Region ang nagtala ng pagtaas ng kaso ng Covid-19. Kabilang dito ang Angeles City, Batanes, Butuan City, Catanduanes, Davao City, Eastern Samar, Ilocos Norte, Kalinga, Marinduque, Olongapo City, Quirino, Surigao del Sur, at Tarlac City.

Sa panayam ng Teleradyo Sakto, sinabi ni Vergeire na hindi makabuluhan ang naitalang pagtaas ng kaso ng Covid-19 dahil hindi nito na-overwhelm ang healthcare system.

“Marami pong pwedeng dahilan ang pagtaas ng kaso, unang-una, syempre, ‘yung ating minimum public health standards. Pagkatapos nakikita natin ‘yung mga crowding talaga (There are many possible causes of the increase in cases, first of all, the [non-compliance to] minimum public health standards. Then, we see the crowding really) because of campaign sorties,” ayon kay Vergeire.

Ang mga bakasyon sa panahon ng Semana Santa ay bahagi rin ng mga kadahilanan, dagdag niya.

Nauna rito, sinabi ng kasamahan sa OCTA Research Group na si Dr. Guido David na ang pagtaas ng kaso sa ilang lugar ay maaaring pansamantala lamang at hindi humahantong sa patuloy na pagdami.

Idinagdag ni David na mapipigilan ito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga proactive at preventive measures ng publiko.

Sinabi rin ni Vergeire na kayang kontrolin ng mga local government units ang pagtaas ng kaso sa mga concerned areas.

“Most specifically mas importante po, doon po sa mga pagtaas ng kaso na nakikita natin na bahagya ay hindi po natin nakikitang napupuno ang mga ospital (Most specifically, it is important that the hospitals are not overwhelmed in the places where slight uptick of cases was seen),” dagdag pa niya.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.