DOH: Mag-ingat sa sore eyes

0
719

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko na mag-ingat sa sakit na sore eyes lalo na ngayong tag-init.

Ayon sa DOH, ang mga sintomas ng sore eyes ay ang pagkakaroon ng pamumula at pangangati ng isa o parehong mata.

Nagpaalala rin ng DOH na agad na magpakonsulta sa doktor para sa tamang reseta ng gamot dahil karaniwang gumagaling ang sakit na ito sa loob ng dalawang linggo.

Bukod pa rito, hindi rin dapat basta-basta maglagay ng kahit anong eye drops at iwasan ang pagpunas o pagkamot sa mata upang hindi kumalat ang sakit.

Maaari itong mahawahan ng mga tao sa pamamagitan ng paggamit ng towel, handkerchief, make-up o eyeglasses na ginamit ng mga taong mayroong sakit na ito.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.