DOH, media, medical societies at estudyante nagsanib puwersa laban sa HIV

0
250

MAYNILA – Inaasahang mas palalakasin pa ang kampanya at serbisyo laban sa human immunodeficiency virus o HIV matapos magsama-sama ang Department of Health, mga college student, media, at iba pang organisasyon.

Kabilang sa mga katuwang ang grupo ng Love Yourself, Pilipinas Shell Foundation (PSFI), Sustained Health Initiatives of the Philippines (SHIP), at mga medical societies tulad ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines. Layunin ng pagtutulungan na paigtingin ang laban kontra sa sakit.

Ginawa ang aktibidad sa Lyceum of Alabang, Muntinlupa City, bilang pagsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon sa DOH, layunin nitong mas mapalawak ang access sa tamang edukasyon at serbisyong pangkalusugan tulad ng HIV combination prevention, testing, at treatment para sa mga kabataan, sa pamamagitan ng whole of society approach o pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.