DOH: Naabot ng San Pablo City ang 106.59% NVD4 coverage

0
407

San Pablo City, Laguna. Nanguna ang lungsod na ito sa anim na lungsod sa Laguna sa 106.59% target coverage na naabot nito matapos ang tatlong araw ng Bayanihan Bakunahan National Vaccination Days Part 4 kamakailan.

Sa isinumiteng target na 4,611 sa NVD4, 106.50% o 4,916 ang kabuuang bilang ng nabakunahan sa sa nabanggit na lungsod sa loob ng tatlong araw na NVD4 noong Marso 10 hanggang 12, ayon sa March to Vaccinate report ng Department of Health.

Isinagawa ang bakunahan sa mga barangay at ipinatupad ang house-to-house vaccination partikular sa malalayong kanayunan, ayon kay San Pablo City Health Officer James Lee Ho.

Samantala, nagpapasalamat San Pablo City Mayor Amben Amante sa vaccination teams sa aktibong pagtataguyod ng mga mass vaccination program na ayon sa kanya ay naging susi ng matagumpay na Bayanihan Bakunahan program.

“Taos-puso akong pasasalamat sa vaccination teams ng San Pablo sapagkat muli nilang ipinakita ang husay, dedikasyon at suporta ng San Pablo City sa COVID-19 Emergency Response Project ng bansa. Nagpapasalamat din ako sa mga naging katuwang na barangay officials, volunteers mula sa public at private sectors at higit sa lahat ay sa mga kababayan ko na nakiisa tungo sa tagumpay ng lungsod laban sa Covid-19,” ayon sa mensahe ni Amante.

Pumangalawa ang Calamba City na nakapagbakuna ng 105.11% sa target na 6,278.

Author profile
sandy-belarmino
Sandy Belarmino

Si Sandy Belarmino ay 17 taon ng naglilingkod sa larangan ng pamamahayag. Naging broadcaster siya sa radyo at local TV.  Media correspondent din sya at columnist sa iba’t ibang dyaryo ng lokal sa San Pablo City. Si Sandy ay kasalukuyang pangulo ng Seven Lakes Press Corps.