DOH nagbabala sa publiko laban sa pekeng artikulo tungkol sa gamot sa diabetes

0
151

Nagbabala ang Department of Health (DOH) kahapon na ang mga non-communicable diseases tulad ng diabetes ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng malusog na pamumuhay at hindi sa mga produktong ibinebenta online.

Ito ay matapos kumalat ang isang artikulo na gumagamit ng pangalan ni DOH Secretary Teodoro Herbosa at ng University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) sa internet.

Ang artikulo ay naglalaman ng impormasyon ukol sa DOH na diumano ay may kooperasyon sila sa UP-PGH upang matulungan ang mga Pilipinong may diabetes na hanapin ang tamang paraan upang mapanatiling normal ang blood sugar.

“The DOH clarifies that no such scenario or statement has been made by the department and its officials,” ayon sa abisong inilabas ng ahensya.

Nagpapaalala rin ng DOH na ang mga communicable diseases at comorbidities ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng tamang pagkain at regular na ehersisyo, sa iba’t ibang paraan.

“Maaaring magkaroon ng mga kriminal na kaso ang may akda ng pekeng artikulo kung ang mga kaugnay na post ay magpapatuloy,” ayon sa pahayag.

Hinikayat din ng DOH ang publiko na kumuha lamang ng impormasyon mula sa mga lehitimong  sources at platforms ng government agencies.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.