DOH, nagbahay-bahay ng pagbabakuna sa GIDA sa Quezon

0
643

Patuloy na sinisikap ng Department of Health (DOH) na dalhin ang Covid-19 vaccination program ng pamahalaan hanggang sa mga Geographically Isolated and Disadvantaged Area (GIDA) sa rehiyon ng Quezon.

Kabilang sa mga binahay-bahay ang bayan ng Macalelon, Quezon kung saan umabot sa 26 na indibidwal ang nabakunahan laban sa Covid-19.  Ang nabanggit na bayan ay isang 4th class municipality sa lalawigan ng Quezon. Batay sa 2020 census, ang populasyon nito ay humigit kumulang na 27,312. 

Ayon sa DOH Calabarzon, ipagpapatuloy ng mga health workers ang house-to-house vaccination sa mga komunidad upang mas marami ang dumami pa ang mabigyan ng proteksyon laban sa Covid-19.

Ipagpapatuloy ng Department of Health ang pagbabahay-bahay sa mga Geographically Isolated and Disadvantaged Area (GIDA) upang makatiyak na marmi pa ang magbigyan ng proteksyon laban sa Vocid-19. Photo Credits: Quezon PIA
Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.