DOH: Nakita sa PH ang 1st XBB.1.5 case na may unknown exposure

0
227

Nakita ang unang impeksyon ng XBB.1.5 sa bansa sa isang lokal na kaso, ayon kay Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire kanina.

“Itong XBB.1.5 na case is a Filipino, local siya na detection, there were no histories of any type of travel, unknown ‘yung kanyang exposure (This XBB.1.5 case is a Filipino, it’s a local detection, there were unknown histories of travel, the exposure is unknown),” ayon kay Vergeire sa isang media briefing.

Iniulat ng DOH ang unang kaso ng XBB.1.5 at tatlong kaso ng CH.1.1, na bahagi ng 1,078 sample na isinailalim sa sequencing ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at ng University of the Philippines-Philippine Genome Center noong Enero 28. hanggang Pebrero 3.

Ang XBB.1.5 subvariant ng Omicron ay isang mutation ng BA.2.

“They are estimating or forecasting na ito po ay kakalat sa (that this will spread to) United Kingdom in the coming weeks,” ayon sa kanya.

Gayunpaman, hindi pa nakikita ng mga eksperto ang kapasidad nito na magdulot ng mas matinding pinsala dahil hindi pa ito naiulat ng ibang bansa.

“Here in the country, we’re trying to monitor closely kung meron bang uptick dito sa (if there is uptick in the) severe and critical, and up to now, our cases are at plateau for severe and critical cases. It’s less than 10 percent always in all of our hospitals,” ayon kay Vergeire.

Binigyang-diin niya na ang malubha at kritikal na mga kaso ay manageable, at ang bansa ay may mga pananggalang at pinalakas na pagbabantay upang masubaybayan ang mga bagong variant na maaaring pumasok sa bansa.

Nitong Pebrero 12, iniulat ng DOH na 13.9 percent lamang o 311 sa 2,243 intensive care unit (ICU) beds ang ginagamit, habang 19.6 percent o 3,402 sa 17,344 non-ICU beds ang ginagamit.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.