DOH sa Publiko: Face mask on vs. ‘walking pneumonia’

0
350

Sa gitna ng tumataas na kaso ng respiratory illnesses, ipinaabot ng Department of Health (DOH) ang mahalagang paalala sa publiko: “Face mask on laban sa ‘walking pneumonia’.”

Nagbabala si Health Undersecretary na si Eric Tayag hinggil sa pagtaas ng kaso ng respiratory illnesses na dulot ng patogen na mycoplasma pneumoniae, lalo na sa mga bata sa China. Ayon kay Tayag, sanhi ito ng tinatawag na ‘walking pneumonia.’

“Ibig sabihin nung walking pneumonia, pag-inexray mo ang isang tao, meron nang findings sa chest x-ray. Pero naglalakad pa rin, parang wala siyang nararamdaman,” paliwanag ni Tayag.

Binigyang-diin ni Tayag na mahalaga ang pagsusuot ng face mask, lalo na sa mga taong may sintomas. Pinayuhan din ang mga may sintomas na sumailalim sa testing, kahit limitado ang mga testing centers sa bansa, kasama na ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ng DOH.

Sa isang advisory, inihayag ng DOH na simula nang tumaas ang kaso ng influenza-like illnesses sa bansa ay kanilang pinaigting ang monitoring.

Ipinahayag din ng DOH na handa silang kumilos laban sa posibleng pagtaas pa ng kaso, at patuloy na magpapalakas ng surveillance sa pakikipag-ugnayan sa World Health Organization (WHO) at China.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo