DOH sumalubong sa World AIDS Day

0
156

Ipinahayag ng Department of Health (DOH) ang kanilang pakikiisa sa laban ng bansa sa HIV/AIDS sa pamamagitan ng iba’t ibang programa alinsunod sa pagdiriwang ng World AIDS Day.

Ang World AIDS Day ay isang pandaigdigang gawain na ginugunita taun-taon upang taasan ang kamalayan hinggil sa HIV at AIDS, gunitain ang mga namatay dahil dito, at suportahan ang mga taong may HIV (PLHIV).

Sa pamamagitan ng iba’t ibang pagdiriwang, binigyang-diin ng DOH ang kahalagahan ng libreng serbisyong kaugnay ng HIV prevention methods at treatment care para sa mga PLHIV. Layunin din nito na hikayatin ang mga tao na sumailalim sa pagsusuri bilang bahagi ng kolektibong pagsusumikap na tapusin ang HIV sa taong 2030.

Matagumpay na ipinagdiwang ang World AIDS Day sa pamamagitan ng kampanya na “Biyaheng Kalusugan” sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Lokal ng Quezon at Center for Health Development CALABARZON IV-A sa Quezon Provincial Capitol, Merchan St. Lucena.

Layunin ng aktibidad na itaguyod ang malusog na pamumuhay at tiyakin na ang mga malusog na pagpipilian ay maging aboy-t-kamay na opsyon para sa lahat sa lahat ng oras.

Isa sa mga tampok ng aktibidad ang “LOVE-A-WALK” march na naglalayong ipagdiwang ang karapatan sa libreng HIV consultation at counseling at treatment. Layunin din nito ang itaguyod ang mga malusog na gawi sa pakikipagtalik.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.