DOH: Walang outbreak ng ‘walking pneumonia’ sa Pilipinas

0
183

Tiniyak ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa kahapon na walang outbreak ng ‘walking pneumonia’ sa Pilipinas.

Sinabi ito ni Herbosa matapos ang deliberasyon ng Commission on Appointments (CA) sa kanyang appointment bilang kalihim ng DOH.

Ayon sa kanya, bagaman at dumarami ang mga kaso ng pneumonia, wala pa namang outbreak nito. Ipinaliwanag niya na sa ngayon ay panahon ng pagsusulputan ng mga respiratory illness.

Sa Philippines po, wala pang outbreak, according to our Epidemiology Bureau. Although marami ang cases because ito po talaga ‘yung season ng respiratory illness,” pahayag pa ni Herbosa.

Napag alaman na ang ‘walking pneumonia’ ay isang mild bacterial infection na kahalintulad ng sipon. Hindi rin umano ito nangangailangan ng bed rest o pananatili sa ospital.

Sa gitna ng pagtaas ng kaso ng pneumonia, pinapayuhan ng DOH ang publiko na maging maingat at sundin ang mga health protocols, kabilang ang pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay, at pag-iwas sa matataong lugar.

Ang assurance ni Secretary Herbosa ay naglalayon na maibsan ang alalahanin ng publiko hinggil sa kalusugan, at itaguyod ang tamang impormasyon sa gitna ng kaganapan ngayon hinggil sa kalusugan ng respiratory system.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.