DOH: Walang shortage ng paracetamol

0
274

Tiniyak ng Department of Health (DOH) nitong Martes sa publiko na shortage ng paracetamol, na gamot ng lagnat at banayad hanggang katamtamang pananakit.

Ang pahayag na ito ay bilang tugon sa mga ulat ng diumano ay may kakulangan ng mga supply ng paracetamol at iba pang mga gamot para sa mga sintomas tulad ng trangkaso.

“We have quickly consulted major drugstore chains and local manufacturers and suppliers on the status of supply of said products. While there is an increased demand for such products, there is no ongoing shortage in the Philippines,” ayon sa DOH.

Ipinayo din ng DOH na ang paracetamol ay maraming alternatibo sa botika sa buong bansa.

Patuloy na sinusubaybayan ng gobyerno ang kalagayan ng supply ng mga gamot na iginagamot sa sintomas ng mga pasyenteng may Covid-19.

Habang tumataas ang mga kaso ng Covid-19, tumaas din ang pangangailangan para sa paracetamol matapos maireport na may ilang mga botika na nauubusan ng stock ng mga branded na paracetamol.

Nauna dito ay binalaan ng Food and Drug Administration ang publiko laban sa mga pekeng pharmaceutical products na bumaha sa merkado. Binigyang diin ng FDA na ang mga pekeng gamot ay “unverified and questionable”  at “maaaring magdulot ng malubhang masamang epekto sa kalusugan, isa pang sakit, drug resistance at ang pinakamasama, kamatayan.”

“Ang mga gamot ay dapat binibili lamang sa mga lehitimo at awtorisadong botika upang makasiguro na orihinal ang mga ito,” ayon pa rin sa FDA.

Upang matiyak ang mga kinakailangang health products sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) ng bansa, nakikipagtulungan ang DOH sa Food and Drug Administration at Department of Trade and Industry.

Gayunpaman, umapela ang DOH sa publiko na iwasang mag-hoard, mag-panic-buying, o gumawa ng hindi kinakailangang pagbili ng mga naturang gamot kapag hindi ito clinically warranted.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.