DOLE: PH, Germany nag aayos ng 2 bagong labor agreements

0
232

Dalawang bagong labor agreement na magbibigay ng pagkakataon sa mga manggagawang Pilipino ang tinatalakay ng gobyerno ng Pilipinas at Germany, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) kahapon.

Sa isang pahayag, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang dalawang bansa ay kasalukuyang nag uusap tungkol sa posibilidad na mag-recruit ng mas maraming Pilipinong healthcare professional at ang deployment ng 31 na iba pang mga kasanayan at propesyon.

Ang natukoy na mga pilot sector ay serbisyo sa hotel, electrical engineering at mechanics, sanitation, heating at air conditioning, at childcare.

Sinabi ni Bello na ang mga labor agreement ay malapit nang matapos.“We are hopeful that the two agreements could come to fruition within the term of President Duterte and mark a significant milestone in the history of Philippine-German bilateral relations,” ayon sa kanya.

Sa kasalukuyan, ang bansa ay nagpapadala ng mga Filipino nurse sa Germany sa ilalim ng Triple Win Program. “Since 2013, we have deployed around 1,811 nurses under the Program, which is exempted from the cap on the overseas deployment of Filipino healthcare workers,” ayon kay Bello sa kamakailang turnover ng German-funded Geriatric Skills Laboratory sa Baliuag University sa Bulacan.

Photo credits: Philippine Consulate General in Frankfurt
Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.