Dominguez: Kayang harapin ng PH ang economic fallout na dulot ng sa Russia-Ukraine conflict

0
198

Malalampasan ng Pilipinas ang economic fallout mula sa Russia-Ukraine war, ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III kay Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes sa taped na lingguhang “Talk to the People” briefing.

“The Philippine economy will likely be collateral damage. It is as if we are hit by a ricocheting bullet,” ayon kay Dominguez.

Ipinaliwanag niya na ang Russia o Ukraine ay hindi pangunahing trading partner ng Pilipinas. Ngunit ang salungatan ay makakaapekto sa apat na pangunahing channel: ang commodity market, ang financial market, investments, at fiscal health.

Inaasahang tataas ang presyo ng langis at pagkain, at malamang na magkakaroon ng pagtaas ng interes, sabi ni Dominguez.

Dahil sa “kawalang-katiyakan” na idinulot ng giyera, sinabi niya na ang mga pamumuhunan ay malamang na bumaba o ibinbin muna.

Kung magpapataw ng mga parusa, magtatagal bago bumalik sa normal ang kumpiyansa ng investor at consumer.

Ang lahat ng ito ay maaaring magtulak sa gobyerno na “banatin” ang badyet upang protektahan ang mga mahihinang mamamayan at mga kritikal na sektor na pinaka-apektado.

“We didn’t expect this crisis to last very long. However, there may be some lingering effects,” ayon sa kanya.

Ipinunto ni Dominguez na nalampasan ng Pilipinas ng “napakahusay” ang iba pang mga nakaraang giyera katulad ng Gulf War noong 1990, ang krisis sa pananalapi sa Asia noong 1997, ang oil price shock noong 2008, at ang unang conflict sa Russia-Ukraine noong 2014.

“These crises lasted much longer and yet we were able to get through them. Based on these experiences, we are confident we have the tools and the preparations necessary to help our people through this crisis,” dagdag pa niya.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.