Dope peddler arestado sa San Pablo City; 72K na shabu kumpiskado

0
178

Sta. Cruz, Laguna.  Inaresto ang isang suspek na drug pusher sa buy-bust operation ng San Pablo City Police Station (CPS) kaninang madaling araw.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang suspek na si alyas Rhovin na residente ng Calamba City, Laguna.

Ayon sa ulat ng San Pablo CPS na nasa pamumuno ni Police Lt Col  Joewie B. Lucas nagkasa sila ng anti-illegal drugs buy bust operation kaninang madaling araw sa Patria Village Brgy. Del Remedio, sa nabanggit na lungsod at naaresto ang suspek matapos magbenta ng hinihinalang illegal na droga sa poseur buyer.

Nakuha sa suspek ang dalawampu’t apat na pirasong plastic sachet ng naglalaman ng hinihinalang illegal na droga na may timbang na 260 gramo at  tinatayang nagkakahalaga ng Php 72,000.

Kinumpiska din ng mga pulis ang isang pulang Toyota Vios na posibleng ginagamit ng suspek sa paghahatid ng iligal na droga.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng San Pablo CPS ang arestado habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumiti sa Crime Laboratory upang isailalim sa forensic examination.

Nakatakdang humarao ang suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 o “Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002”.

“Hindi tumitigil ang ating mga kapulisan sa Laguna sa pagsasagawa ng mga operasyon kontra droga para sa isang mapayapa at tahimik na Lalawigan ng Laguna,” ayon kay Silvio.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.